
Alalahanin Siya
Nang makaranas ng matinding suliranin ang anak ko, ipinaalala ko sa kanya ang kabutihan ng Dios sa pamilya namin nang mawalan ng trabaho ang tatay niya. Ipinaalala ko rin sa kanya kung paanong nagkaloob ang Dios ng kapayapaan sa amin nang magka-kanser at mamatay ang nanay ko. Ipinaalala ko rin sa kanya na tinutupad ng Dios ang mga pangako Niyang…

Magtulungan
Kasali ang aking asawa sa isang laro na ginanap sa isang malawak na palaruan. Nang sasaluhin na niya ang bolang papalapit sa kanya, nabunggo siya sa bakod ng palaruan. Nang gabing iyon, inabutan ko siya ng yelo upang mabawasan ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang balikat.
Tinanong ko rin siya kung kumusta na ang pakiramdam niya. Sabi niya, “Maiiwasan…

Nauunawaan Niya Tayo
Bagong lipat pa lamang sila Mabel sa kanilang lugar kaya nag-aatubili ang pitong taong gulang niyang anak na si Ryan na maghanda sa summer camp sa bago niyang eskuwelahan. Pinalakas naman ni Mabel ang loob ng kanyang anak at sinabi rito na nauunawaan niya na mahirap talaga para sa anak ang mga pagbabagong hinaharap nito dulot ng kanilang paglipat. Ngunit isang…

Magpatawad
Nagpuyos ang galit ko nang may ginawang hindi maganda ang isang babae sa akin. Nais kong ipaalam sa iba ang ginawa niya sa akin. Nais kong mahirapan din siya at maranasan ang ginawa niya sa akin. Tumindi ang galit ko hanggang bigla namang sumakit ang ulo ko. Habang nananalangin akong mawala ang pananakit ng ulo ko, bigla namang nangusap sa…

Liwanag Sa Dilim
Katatapos lang dumaan ng malakas na bagyo sa bagong lugar na tinitirhan namin. Nagdulot ito ng madilim na kalangitan at maalinsangang panahon. Habang ipinapasyal ko ang aming asong si Callie, napuno ang isip ko ng mga hamong hinaharap ng aming pamilya dulot ng paglipat namin. Sa pagkakataong iyon, pinakinggan ko ang pag-agos ng sapa na malapit sa aming bahay at…